Sunday, September 10, 2017

The Small Happiness in Belison, Antique
Ano nga ba ang kasiyahan sa lugar ng Belison, Antique?

Ito ay nakabase sa aking mga nararanasan sa lugar na ito.
          Makikita rito ang magagandang lugar gawa ng kalikasan tulad ng Bulkan, Bundok, Talon at Dagat na ang buhangin ay kulay itim. Ang mga taong naririto ay mabilis mong makakasalamuha at kakausapin ka hanggang makalimutan mo na may problema ka. Makikita mo rin sa kanila ang kanilang pagtutulungan at pagkakaisa sa bawat problema na nararanasan nila tuwing may kalamidad at kahit ano mang nangyayari sa kanila. 







    Nagbakasyon kami sa Belison, Antique upang makasama ko ang aking lolo, lola, tito, tita at mga pinsan. Nagpunta kami sa dagat kung saan ang dagat ay maitim ang buhangin at habang nagagala ay naghahanap kami ng lungga ng talangka at hinuhuli namin ito. Sobrang saya dahil may mga nakasama ako sa paghuli ng mga ito.




          Ang aking nadiskubre sa lugar na ito ay mga magandang kalikasan, ang mga taong sobrang pala kaibigan at tuwing Disyembre 5 at 6 ipinagdiriwang ang kanilang kapistahan ng Nuestra Senyora De Guia . Ang Guinobatan ay bundok kung saan dinarayo tuwing biyernes Santo. Ang mga ito ay panandalian lamang dahil isang linggo ay umuwi din kami. Ito ay naranasan ko sa Brgy. Borocboroc Belison, Antique na kahit na kokonting panahon ay nagbigay ito ng masasayang mermorya sa aking isipan at sana ay maulit ulit.





"Magustuhan niyo po sana ang aking ginawa gamit ang bugso ng aking damdamin sa lugar na ito. Samahan niyo po ako sa susunod na paglalakbay na aking bagong matutuklasan na lugar."

"Sana kayo din ay makapunta dito sa lugar at makaranas din po kayo na higit pa sa aking naranasan sa lugar ng Belison, Antique Marami pa po kayong matutuklasang hindi pa po siya sikat"

Maraming Salamat po ^_^